3.21.2013

Pinoy icons


Mga komento at mga sinasabi ng ibang icon, artista at kritiko tungkol kay Gloria Romero.


-Danny Dollor ng philSTAR.com


As expected, Miss Romero was the center of public and media attention. After all, she was (and still is) the most regal and beautiful movie queen, adored by millions.


 -Ricky Reyes


Tita Glo has always been, to me, the epitome of the perfect woman. Through the years, I followed her show business career as well as private life. When I noticed she was fast losing the will to beautify herself I felt sad and thought I must do something and had the idea of launching her as the endorser of Ang Ganda Ng Lolah Mo campaign,




-Sol Jose Vanzi ng Philippine Headline News Online

At 69, she shows no signs of slowing down. She's the only Sampaguita actress who remains very active up to now.


-Camille Prats

"Feeling ko Tita Glo is blessed with so many things in life.
She's blessed with how many years of fruitful life, na at her age now, nagtatrabaho pa rin siya."


-Snooky Serna

Our relationship goes beyond the set, because I regard her as a second mother. One thing I cant forget about her, during those times when I was being reprimanded for my tardiness, she gave me a watch,but I did not get offended. She tells me my mistakes straight to my face!? 


-German Moreno

I personally asked her to star with me in this movie. We had several dramatic scenes together, and I was so nervous acting with her, but she made me feel very comfortable. 

Dag-dag impormasyon: 

http://missosology.info/forum/viewtopic.php?f=15&t=104542
http://manilastandardtoday.com/2013/01/24/ricky-a-gloria-romero-fan/

Mga pinag kuhanan:


Dollor, D., (2013, January).Gloria Romero: Miss Visayas ’54. The Philippine Star. Retrieved March 2, 2103, from http://www.wwwp.philstar.com/entertainment/2013/01/06/893748/gloria-romero-miss-visayas-54
 N/A., (2013, January). Gloria Romero bibigyan ng tribute. Pilipino Star Ngayon. Retrieved March 2, 2103, from http://www.philstar.com/psn-showbiz/2013/01/26/901323/gloria-romero-bibigyan-ng-tribute
Sibonga, G.P.,(2011, December). Ms. Gloria Romero surprised bt GMA-7 executives on her 78th Birthday. Philippine entertainment Porthal. Retrieved March 2, 2103, from http://www.pep.ph/news/32309/ms-gloria-romero-surprised-by-gma-7-executives-on-her-78th-birthday
Mangubat, R., (2008, June). Cast of indie drama all prises for Gloria Romero. Inquirer Entertainment. Retrieved March 2, 2103, from http://showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view/20080627-145189/Cast-of-indie-drama-all-praises-for-Gloria-Romero
Vanzi, S.J., (2003, January). Gloria Romero, Model Wife. Philippine Headline News Online. Retrieved March 2, 2103, from http://www.newsflash.org/2003/01/sb/sb002624.htm



Larawan


 Ang  mga litrato ni Gloria Romero: Noon at Ngayon






Ang litrato ni Gloria Romero noong mga kabataan pa niya.



Itong litratong ito ay courtesy ng Video 48




                      Nakuha ang litratong ito noong ikinasal na siya kay Juancho Gutierrez. Isa din siyang sikat na aktor noong panahon na iyon. Sikat silang dalawa sa industriya ng pelikula.



                               SI GLORIA ROMERO NGAYON
















3.07.2013

Mga Gantimpala

FAMAS
  • 2001 Tanging Yaman (Best Actress)
  • 1989 Nagbabagang Luha (Best Supporting Actress)
  • 1955 Dalagang Ilocana (Best Actress)
FAP Awards
  • 2004 Magnifico (Best Supporting Actress)
  • 2001 Tanging yaman (Best Actress)
  • 1987 Saan Nagtatago ang Pag-ibig (Best Supporting Actress)
Gawad Urian Awards
  • 2004 Magnifico (Best Supporting Actress)
  • 2001 Tanging yaman (Best Actress)
Star Awards
  • 1987 Saan Nagtatago ang Pag-ibig (Best Supporting Actress)
Golden Screen Awards
  • 2009 Fuchsia (Best Actress - Comedy)
Lifetime Achievement Awards
  • 2003 FAMAS
  • 2004 Gawad Urian Awards
  • 2002 FAP
  • 2001 Cinemanila International Film Festival
  • 2009 MTRCB Awards
  • 2009 FAMAS "Huwarang Bituin" award
  • 2010 Pasado Awards
  • 2011 Movie Icons of Our Time Award
  • 2012 PMPC Ading Fernando Lifetime Achievement Award

Talento sa Pagarte



MAGNIFICO 



Ang pelikulang  Magnifico sa dereksyon ni Maryo J. De Los Reyes ay napa-panalo kay Gloria Romero ng Best Supporting Actess, sa papel bilang lola ni Magnifico, sa FAP Awards at Gawad Urian Awards



Ang takbo ng storya ay umiikot sa buhay ng isang  musmos na batang lalaki nganangalang Magnifico (Jiro Manio). Sa kanyang murang edad ay namulat sya kung gaano kakumplikado at hirap ang buhay, lalo na nang maospital ang kanyang lola (Gloria Romero) at matanggallan ng scholarship ang kanyang kuya (Danilo Barrios). Dahil dito ay madalas nyang naririnig na nag tatalo ang kayang mga magulang (Lorna Tolentino at Albert Martinez) kung paano/saan sila kukuha ng pera pang tustos sa kanilang araw-araw na gastusin at pag papalibing sa kanyang lola. Sa kagustuhang makatulong ay nagisip si Magnifico ng paraan para  mabigyan ng sulusyon ang mga problema ng mga magulang kasabay ang pagaalaga sa kanyang  may kapansanang nakababatang kapatid na si Helen ( Isabella de Leon).



UnitelPictures (2008,October 13). Magnifico. Retrieved March 2, 2013, from http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=G-oPXydxymQ




FUCHSIA




Ang pelikulang Fuchsia ay ibang-iba sa mga nauan na nyang mga proyekdo, dahil sa kanyang naiibang pag ganap ay napanalunan nya diito ang Best Actress Award sa katatawanan ng Golden Screen Award. 

Ang pelikulang Fuchsia ay bago at ibang-iba sa ating nakasnayan, tungkol ito sa buhay ni Maneng (Gloria Romero), isang 62 taong gulang na matandang babae at ang dalaw nyang “asawa”. Ngsimula ito ng Umalis si Mars (Eddie Garcia) para magtabaho sa U.S. navy at dahil dito ay napilitang tumaira si  Maneng kasma ng matalik na kanibigan ng kanyang asawa, na is Gener (Robert Arevalo). Lumipas ang 40 taon, ni minsan ay hindi sumulat o nagparamdam si Mars dahil dito ay si Gener na ang tumayong asawa ni Maneng. Pero sa hindi sa hindi inaasahang pangyayari biglang umuwi si Mars at sinabing hindi na sya aaliis at mananatili na siya sa bansa. Kaya naman ay napag-pasyahan nilang talong tumira sa isang bubong kahit na tumututol ang mga tao.

Regalcinema(2009, July 30). Fuchsia. Retrieved March 2, 2013, from http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=kOIj_YAXWdg 

Pelikula at Proyekto

Television Shows
TaonPamagatGinampanang PapelNetwork
2013ForeverAdora Del PradoGMA Network
2012Cielo de AngelinaSister MargaretGMA Network
2012Makapiling Kang MuliSeñora Soledad SilvestreGMA Network
2011Spooky Nights: SingilLinda RodriguezGMA Network
2011Andres de SayaCoring Golpe de OroGMA Network
2011Munting HerederaDoña Anastacia MonterealGMA Network
2011100 Days To HeavenPilarABS-CBN
2010Kokey @ AkoBarbara ReyesABS-CBN
2010Kung Tayo'y MagkakalayoBarbara De JesusABS-CBN
2010Your Song Presents: My Last RomanceRose SuarezABS-CBN
2009May Bukas PaSoledadABS-CBN
2009Komiks Presents: Nasaan Ka Maruja?Lola Rosing RiveraABS-CBN
2008I Love Betty La FeaDorayABS-CBN
2008PalosAlfonsina RivieraABS-CBN
2007LastikmanAmon LabaoABS-CBN
2007Komiks Presents: Pedro Penduko at ang mga EngkantaoLola Maria PendukoABS-CBN
2006Komiks Presents:Da Adventures of Pedro PendukoLola Maria PendukoABS-CBN
2006Komiks Presents: MomayAnaABS-CBN
2006Star Magic Presents: Tender Loving CareLola CoringABS-CBN
2006Crazy For YouABS-CBN
2006Mga Anghel na Walang LangitElenaABS-CBN
2006Ok Fine, Oh Yes!Lola BarbieABS-CBN
2005MaynilaGMA Network
2004Ok Fine 'To Ang Gusto NyoLola BarbieABS-CBN
2003Sana'y Wala Nang WakasDonya Valeria ValenciaABS-CBN
2002Ok Fine WhateverLola BarbieABS-CBN
2001Sa Dulo Ng Walang HangganCarmela EstocapioABS-CBN
1999Labs Ko Si BabeABS-CBN
1995Familia ZaragozaDonya Amparo ZaragozaABS-CBN
1991Palibhasa LalakeTita Minerva ChavezABS-CBN
Pelikula
TaonPamagatGinampang PapelFilm Production
2012Just One SummerLola Meding ReyesGMA Films
2010Petrang KabayoLola IdangViva Films
2010TarimaLola ImangIndie Film
2009Nobody, Nobody But... JuanAidaViva Films
2009TarotLola AuringRegal Films
2009Kamoteng KahoyLola IdangAPT Entertainment
2009FuchsiaMamengIndie Films
2008PaupahanGloriaATD Entertainment
2007Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po!Lola IdaRegal Films
2007M.O.N.A.Y (Misteyks obda neyson adres Yata) ni Mr. Shooli-Indie Films
2006Moments of LoveRosa Santos/Old DivinaGMA Films
2006Tulay-Unitel Pictures
2006I Wanna Be Happy-Seiko Films
2005Bahay ni Lola 2Amelia GoRegal Films
2005Let the Love BeginLolaGMA Films
2004Beautiful LifeMagdaRegal Films
2004Annie B.-Viva Films
2003MagnificoLola MagdaViolett Films
2003Spirit Warriors: The ShortcutRed's grandmotherMAQ Productions
2002Singsing ni LolaLolaRegal Films
2002I Think I'm In LoveAmorRegal Films
2002Cass & Cary: Who Wants to Be a Billionaire?Donya Gracia ImperialViolett Films
2001Bahay Ni LolaLolaRegal Films
2001American AdoboGerry's MomStar Cinema & Unitel Pictures
2001Bakit 'Di TotohaninLola EpingStar Cinema
2001Narinig Mo Na Ba Ang L8est?Lola MedingStar Cinema
2000Tanging YamanLola LolengStar Cinema
  • Daddy O, Baby O! (2000)
  • Dahil may isang ikaw (1999)
  • Maldita (1999)
  • DoReMi (1997)
  • Takot ako sa darling ko (1997)
  • Rubberman (1996)
  • Ang misis kong hoodlum (1996)
  • Rollerboys (1995)
  • Araw-araw, gabi-gabi (1995)
  • Ikaw pa, mahal kita (1995)
  • Sana dalawa ang puso ko (1995)
  • Forever (1994)
  • Sana'y laging magkapiling (1994)
  • Pulis patola (1993)
  • Ayaw ko ng mangarap (1993)
  • Kadenang bulaklak (1993)
  • Bakit labis kitang mahal (1992)
  • Alabang Girls (1992)
  • Kislap sa dilim (1991)
  • Dinampot ka lang sa putik (1991)
  • Joey Boy Munti, 15 anyos ka sa Muntilupa (1991)
  • Kapag langit ang humatol (1990)
  • I Have 3 Eggs (1990)
  • Tayo na sa dilim (1990)
  • Kahit isumpa mo ako (1990)
  • Atorni Agaton: Abogadong de kampanilya (1990)
  • Bakit ikaw pa rin? (1990)
  • My Other Woman (1990)
  • Oras-oras, araw-araw (1989)
  • Huwag kang hahalik sa diablo (1989)
  • Si Aida, si Lorna, o si Fe (1989)
  • Bilangin mo ang bituin sa langit (1989)
  • Impaktita (1989)
  • Sandakot na bala (1988)
  • Mirror, Mirror on the Wall (1988)
  • Nagbabagang luha (1988)
  • Lord, bakit ako pa? (1988)
  • Nasaan ka inay (1988)
  • Once Upon a Time (1987)
  • AlAbok sa ulap (1987)
  • Saan nagtatago ang pag-ibig? (1987)
  • Payaso (1986)
  • Inday bote (1985)
  • Miguelito: Batang rebelde (1985)
  • Hindi nahahati ang langit (1985)
  • Kay dali ng kahapon, ang bagal ng bukas (1985)
  • Mga kwento ni Lola Basyang (1985)
  • Bulaklak sa City Jail (1984)
  • Condemned (1984)
  • Anak ni Waray vs Anak ni Biday (1984)
  • Teenage Marriage (1984)
  • Dear Mama (1984)
  • Kung mahawi man ang ulap (1984)
  • Sinner or Saint (1984)
  • To Mama with Love (1983)
  • Mother Dear (1982)
  • Kasal (1980)
  • Nasa lupa ang langit at imperyno (1978)
  • Makahiya at Talahib (1976)
  • Daigdig ng lagim (1976)
  • Karugtong ang kahapon (1975)
  • Niño Valiente (1975)
  • Happy Days Are Here Again (1975/I)
  • Shazam boom (1974)
  • Lipad, Darna, lipad! (1973)
  • Pepeng Agimat (1973)
  • Fight Batman Fight! (1973)
  • Anak ng aswang (1973)
  • Nardong Putik (1972)
  • My Blue Hawaii (1972)
  • Just Married, Do Not Disturb (1972)
  • Lumuha pati mga anghel (1971)
  • Pagdating sa dulo (1971)
  • Daluyong! (1971)
  • Robina (1971)
  • Haydee (1970)
  • For You, Mama
  • Paula (1969)
  • Patria adorada (Dugo ng bayani) (1969)
  • Pinagbuklod ng langit (1969)
  • De colores (1968)
  • Liku-likong landas (1968)
  • Kamatayan ko ang ibigin ka (1968)
  • Hinango kita sa lusak (1967)
  • Anong ganda mo! (1967)
  • Kaibigan ko'ng Sto. Niño (1967)
  • Miranda: Ang lagalag na sirena (1966)
  • 7 gabi sa Hong Kong (1966)
  • Bakit pa ako isinilang? (1966)
  • Iginuhit ng Tadhana: The Ferdinand E. Marcos Story (1965)
  • Eskuwelahang munti (1965)
  • Paano kita lilimutin (1965)
  • Alaala ng lumipas (1965)
  • Hamon sa kampeon (1965)
  • Ang rosaryo at ang tabak (1964)
  • Fighting Warays sa Ilokos (1964)
  • Jukebox Jamboree (1964)
  • Show of Shows (1964)
  • Esperanza at Caridad (1963)
  • Haliging bato (1963)
  • Dance-O-Rama (1963)
  • Sinisinta kita (1963)
  • Anak, ang iyong ina! (1963)
  • Mga anak ng Diyos (1962)
  • Tugtuging bukid (1962)
  • Hampaslupang anghel (1962)
  • Alyas Sakay (1961)
  • Apat na yugto ng buhay (1961)
  • Hani-hanimun (1961)
  • Lawiswis kawayan (1960)
  • Lupa sa lupa (1960)
  • Kahapon lamang (1959)
  • Vicky (1959)
  • Wedding Bells (1959)
  • Ikaw ang aking buhay (1959)
  • Pangarap Ko'y Sa'yo Lamang (1959) Lorraine Paredes
  • Pitong pagsisisi (1959)
  • Bakit may putik ang bulaklak (1959)
  • Kasintahan sa pangarap (1959)
  • Mga reyna ng Vicks (1958)
  • Beloved (1958)
  • Mga kuwento ni Lola Basyang (1958)
  • Alaalang banal (1958)
  • Eternally (1957)
  • Hongkong Holiday (1957)
  • Colegiala (1957)
  • Sino ang maysala (1957)
  • Miss Tilapia (1956)
  • Vacacionista (1956)
  • Pagdating ng takipslim (1956)
  • Teresa (1956)
  • Hootsy kootsy (1955)
  • Mariposa (1955)
  • Artista (1955)
  • Bim, Bam, Bum (1955)
  • Kurdapya (1955)
  • Despatsadora (1955)
  • Hindi basta basta (1955)
  • Pilya (1954)
  • Anak sa panalangin (1954)
  • Ang biyenang hindi tumatawa (1954)
  • Dalagang Ilocana (1954)
  • Cofradia (1953)
  • Mister Kasintahan (1953)
  • Apat na taga (1953)
  • Recuerdo (1953)
  • May umaga pang darating(1953)
  • Madame X (1952)

Talambuhay



Sino si Gloria Borrego Galla?




Si Gloria Romero ay ipinanganak sa pangalang Gloria Borrego Galla noong ika-16 ng Disyembre ng taong 1993 sa Denver, Colorado, USA. Anak ni Pedro Galla, na isang Filipino, at ang kanyang asawa na si Mary Borrego na isang Amerikana. Apat sila sa pamilya at dalawa lamang silang magkapatid, ang isa niyang kapatid ay lalaki na nagngangalang Tito Galla. Nag-aral si Gloria sa Mabini Elementary School at nag tapos siya sa Riverview Highschool sa Mabini, Pangasinan. Si Gloria Romero ay isang Filipinang aktres na kadalasang lumalabas sa mga pelikula at telebisyon, halos animnaput-dalawang taon na siyang nasa industriya. Sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Nario Rosales, ang chief editor ng sampaguita studios naging mas madali para kay Gloria Romero ang pagbisita at pag nood sa mga pelikula at ito din ang nagsilbing daan ng dahang dahang pagsikat ni Romero.

Dahang-dahang pagsikat

Si Gloria Romero ay nagsimula muna bilang isang ekstra sa Sampaguita Pictures bago siya napansin sa pelikulang Kasintahan Sa Pangarap na ipinalabas noong taong 1951. Sa taong iyon unti-unti ng nagsunodsunod ang kanyang mga ginampanang karakter. At sa wakas, sa kanyang ikalimang pelikula, Ramon Segla (na makikita sila Lilian Leonardo at Pancho Magalona), nagkaroon siya ng bahagi doon at gumanap siya bilang isang nars. Gumanap din siya bilang anak na babae ni Ramirez at Vergel sa Madame X na ipinalabas noong taong 1952. Ang mga producers ng pelikula ay binigyan at ipinakilala si Miss Gloria Galla ng isang bagong pangalan: "Gloria Romero". Ang kilalang pangalan sa industriya ng pelikula sa panahon noon at maging sa ngayon. Si Gloria Romero ay maraming ginamapanan na karakter at kasabayan din noon ay marami din siyang naging katambalan. Isa na dito si Ramon Revilla sa pelikulang Apat na Taga na ipinalabas noong 1953. Naging katambalan din niya si Fred Montilla sa pelikulang Recuerdo noong taong 1953. Si Pancho Magalona sa pelikulang Musikong Bumbong noong taong 1954. At si Doplhy sa Dalagang Ilocana noong 1954. Ang Dalagang Ilocana ay isang romantiko at komedyang pelikula na nilikha ng Sampaguita Pictures. Dahil sa pelikulang ito, nakatanggap at napanalunan niya and Pilipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) bilang ang pinakamahusay na aktres. Madaming pelikula na nagawa si Gloria Romero, halos hindi na mabilang sa kamay. Dahil dito, marami din siyang nakamit at napanalunang mga  parangal.


Hindi lang sa mga pelikula lumalabas si Gloria Romero maging sa mga sitcom sa telebisyon. Katulad ng Palibhasa lalake noong 1991, Short-lived Fifty Carats, O Di ba? noong 1993. Kalahok din siya sa Familia Zaragosa noong 1995, Labs ko si Babes noong 2000, sa Dulo ng walang hanggan noong 2001 at Sana'y Wala Ng Wakas noong 2003. May mga pelikula din siyang katatakutan tulad ng Bahay ni Lola 2 noong 2005 at ang walang kupas na sikat na pelikulang katatakutan, ang Shake,Ratlle and Roll. Kabilang siya sa Shake, Rattle and Roll 2k5. Gumawa rin siya ng mga pelikula para sa iba pang mga studio katulad ng Pitong Gabi sa Hongkong noong 1996, Lumuha Pati Mga Anghel noong 1971 kung saan andoon sila Eddie Garcia at Ronaldo Valdez. Ang pelikulang Sakada noong 1976 na idinerekta mismo ni Behn Cervantes kasama ang mga artistang sila Pancho Magalona, Rosa Rosal, Hilda Koronel at si Bembol Roco. Hindi lang sa pelikula laging lumalabas si Gloria Romero kung hindi maging sa mga sitcom, at mga soap opera din. Sinubukan rin niyang gumanap na karakter sa mga kilala at popyular na mga komiks. Ang kanyang unang dalawang sinubukang gampanan ay ang Mister Kasintahan noong 1953 at ang Kurdapya noong 1954 na naging matagumpay. Isinunod na rin niyang ginawa ang Mariposa noong 1995 at kasunod nito ang Miss Tilapia noong 1956. Ginampanan niya ang karakter at siya ang orihinal na Pacifica Falayfay. Lahat ng ginawa niyang pelikula ay pumatok at dahil dito nagawaran siya bilang "Queen of Philippine Movies." Bilang isang Queen of Philippine Movies, hinding hindi matatanggal ang mga parangal na kanyang mga nakamit. Marami siyang natanggap na mga parangal. Ang aking babanggitin ay ang mga sumusunod: nakatanggap siya ng parangal galing sa FAMAS bilang pinakamahusay na aktres para sa pelikulang Dalagang Ilocana (1954). Pinakamahusay din siyang Supporting Actress sa pelikulang Tanging Yaman(2000). Nakatanggap din siya ng parangal sa Film Academy ng Pilipinas (FAP) bilang pinakamahusay na Supporting Actress sa pelikulang Saan Nagtatago ang Pag-ibig? (1987) at muli ulit siyang ginawaran ng Film Academy ng Pilipinas bilang pinakamahusay na aktres sa pelikula niyang Tanging Yaman (2000). Nakatanggap din din siya ng nominasyon mula sa FAMAS para sa kanyang mga pelikula katulad ng Ikaw ang Aking Buhay noong 1959, Condemened noong 1984 at ang paghuli ay ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit noong 1989. Sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino awarding(Gawad Urian Awards) nakatanggap siya parangal na 2001 Bet Actress para sa pelikula niyang Tanging Yaman at 2004 Best Supporting Actress para sa pelikula niyang Magnifico noong 2003. Bukod dito, ang Gawad Urian, Film Academy ng Pilipinas at ang CineManila International Film Festival ay pinarangalan siya ng indibidwal na Lifetime Achievement Awards sa pagitan ng taong 2001 at 2004.

Buhay Pagibig 

Napangasawa ni Gloria si Juancho Gutierrez, isang sikat din na aktor noong kapanahunan nila. Sila Juancho Gutierrez at Gloria Romero ay parehong sikat sa industriya ng pelikula. Nakilala at na bansagan si Romero bilang "Queen of Philippine Movies" noong panahon nila. Si Juancho ay nanalo kasama si Amalia Fuentes sa isang programang Mr. Number 1 at Miss Number 2. Ito ay naging daan para makilala siya ni Doc Perez at nagkaroon siya ng pagkakataon na maisama sa kanyang pelikula. Ito'y pinamagatang Senorita na pinangungunahan mismo ni Gloria Romero. Ikinasal silang dalawa at nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang Maritess Gutierrez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay naghiwalay din sila pagkatapos ikasal. Sapagkat, paglipas ng panahon walang nag-aakala na magkakabalikan din ang mag-asawa. Ngunit sa pagbabalikan nila nadiskubri niyang may sakit ang kanyang asawa. Pagkatapos ni Juancho magka stroke, naging malala ang kanyang kalagayan sa kadahilanan na mayroon din siyang diabetic implications. Noong taong 2005, sa edad na 73, Nagkaroon siya ng cardiac arrest at doon siya binawian ng buhay.

 Miss Visayas

Taong 1954 halso kakasimula palamang ng karera ni Gloria Romero sa larangan ng pag arte ay napag disisyonan nyang sumali sa Miss Philippines search. Dalawa ang nag organisa ng kumpitisyong iyon ang Boys Town Phlippines kung saan nanalo si Blesilda Ocampo at ang Philippine National Fair kung saan namn nanalo si Teresa Larrazabal.  Pagkatapos bilangin ang resulta ng mga balota nalamamg siya ang nakakuha ng ikatlong karangalan at nakuha ang titolong Miss Visayas.