Sino si Gloria Borrego Galla?
Si Gloria Romero ay ipinanganak sa pangalang Gloria Borrego Galla noong
ika-16 ng Disyembre ng taong 1993 sa Denver, Colorado, USA. Anak ni Pedro Galla,
na isang Filipino, at ang kanyang asawa na si Mary Borrego na isang Amerikana. Apat
sila sa pamilya at dalawa lamang silang magkapatid, ang isa niyang kapatid ay lalaki
na nagngangalang Tito Galla. Nag-aral si Gloria sa Mabini Elementary School at nag tapos siya sa Riverview Highschool sa Mabini, Pangasinan. Si Gloria Romero ay
isang Filipinang aktres na kadalasang lumalabas sa mga pelikula at telebisyon, halos
animnaput-dalawang taon na siyang nasa industriya. Sa tulong ng kanyang tiyuhin
na si Nario Rosales, ang chief editor ng sampaguita studios naging mas madali
para kay Gloria Romero ang pagbisita at pag nood sa mga pelikula at ito din ang
nagsilbing daan ng dahang dahang pagsikat ni Romero.
Dahang-dahang pagsikat
Si Gloria Romero ay nagsimula muna bilang isang ekstra sa Sampaguita
Pictures bago siya napansin sa pelikulang Kasintahan Sa Pangarap na ipinalabas
noong taong 1951. Sa taong iyon unti-unti ng nagsunodsunod ang kanyang mga
ginampanang karakter. At sa wakas, sa kanyang ikalimang pelikula, Ramon Segla
(na makikita sila Lilian Leonardo at Pancho Magalona), nagkaroon siya ng bahagi
doon at gumanap siya bilang isang nars. Gumanap din siya bilang anak na babae
ni Ramirez at Vergel sa Madame X na ipinalabas noong taong 1952. Ang mga
producers ng pelikula ay binigyan at ipinakilala si Miss Gloria Galla ng isang
bagong pangalan: "Gloria Romero". Ang kilalang pangalan sa industriya
ng pelikula sa panahon noon at maging sa ngayon. Si Gloria Romero ay maraming
ginamapanan na karakter at kasabayan din noon ay marami din siyang naging
katambalan. Isa na dito si Ramon Revilla sa pelikulang Apat na Taga na
ipinalabas noong 1953. Naging katambalan din niya si Fred Montilla sa
pelikulang Recuerdo noong taong 1953. Si Pancho Magalona sa pelikulang Musikong
Bumbong noong taong 1954. At si Doplhy sa Dalagang Ilocana noong 1954. Ang
Dalagang Ilocana ay isang romantiko at komedyang pelikula na nilikha ng
Sampaguita Pictures. Dahil sa pelikulang ito, nakatanggap at napanalunan niya
and Pilipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) bilang ang pinakamahusay
na aktres. Madaming pelikula na nagawa si Gloria Romero, halos hindi na mabilang
sa kamay. Dahil dito, marami din siyang nakamit at napanalunang mga parangal.
Hindi lang sa mga pelikula lumalabas si Gloria Romero maging sa mga
sitcom sa telebisyon. Katulad ng Palibhasa lalake noong 1991, Short-lived Fifty
Carats, O Di ba? noong 1993. Kalahok din siya sa Familia Zaragosa noong 1995,
Labs ko si Babes noong 2000, sa Dulo ng walang hanggan noong 2001 at Sana'y
Wala Ng Wakas noong 2003. May mga pelikula din siyang katatakutan tulad ng
Bahay ni Lola 2 noong 2005 at ang walang kupas na sikat na pelikulang
katatakutan, ang Shake,Ratlle and Roll. Kabilang siya sa Shake, Rattle and Roll
2k5. Gumawa rin siya ng mga pelikula para sa iba pang mga studio katulad ng Pitong
Gabi sa Hongkong noong 1996, Lumuha Pati Mga Anghel noong 1971 kung saan andoon
sila Eddie Garcia at Ronaldo Valdez. Ang pelikulang Sakada noong 1976 na
idinerekta mismo ni Behn Cervantes kasama ang mga artistang sila Pancho
Magalona, Rosa Rosal, Hilda Koronel at si Bembol Roco. Hindi lang sa pelikula
laging lumalabas si Gloria Romero kung hindi maging sa mga sitcom, at mga soap
opera din. Sinubukan rin niyang gumanap na karakter sa mga kilala at popyular
na mga komiks. Ang kanyang unang dalawang sinubukang gampanan ay ang Mister
Kasintahan noong 1953 at ang Kurdapya noong 1954 na naging matagumpay. Isinunod
na rin niyang ginawa ang Mariposa noong 1995 at kasunod nito ang Miss Tilapia
noong 1956. Ginampanan niya ang karakter at siya ang orihinal na Pacifica Falayfay.
Lahat ng ginawa niyang pelikula ay pumatok at dahil dito nagawaran siya bilang
"Queen of Philippine Movies." Bilang isang Queen of Philippine
Movies, hinding hindi matatanggal ang mga parangal na kanyang mga nakamit.
Marami siyang natanggap na mga parangal. Ang aking babanggitin ay ang mga
sumusunod: nakatanggap siya ng parangal galing sa FAMAS bilang pinakamahusay na
aktres para sa pelikulang Dalagang Ilocana (1954). Pinakamahusay din siyang
Supporting Actress sa pelikulang Tanging Yaman(2000). Nakatanggap din siya ng
parangal sa Film Academy ng Pilipinas (FAP) bilang pinakamahusay na Supporting
Actress sa pelikulang Saan Nagtatago ang Pag-ibig? (1987) at muli ulit siyang
ginawaran ng Film Academy ng Pilipinas bilang pinakamahusay na aktres sa pelikula
niyang Tanging Yaman (2000). Nakatanggap din din siya ng nominasyon mula sa
FAMAS para sa kanyang mga pelikula katulad ng Ikaw ang Aking Buhay noong 1959,
Condemened noong 1984 at ang paghuli ay ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit noong
1989. Sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino awarding(Gawad Urian Awards)
nakatanggap siya parangal na 2001 Bet Actress para sa pelikula niyang Tanging
Yaman at 2004 Best Supporting Actress para sa pelikula niyang Magnifico noong
2003. Bukod dito, ang Gawad Urian, Film Academy ng Pilipinas at ang CineManila
International Film Festival ay pinarangalan siya ng indibidwal na Lifetime
Achievement Awards sa pagitan ng taong 2001 at 2004.
Buhay Pagibig
Napangasawa ni Gloria si Juancho
Gutierrez, isang sikat din na aktor noong kapanahunan nila. Sila Juancho
Gutierrez at Gloria Romero ay parehong sikat sa industriya ng pelikula. Nakilala
at na bansagan si Romero bilang "Queen of Philippine Movies" noong
panahon nila. Si Juancho ay nanalo kasama si Amalia Fuentes sa isang programang
Mr. Number 1 at Miss Number 2. Ito ay naging daan para makilala siya ni Doc
Perez at nagkaroon siya ng pagkakataon na maisama sa kanyang pelikula. Ito'y
pinamagatang Senorita na pinangungunahan mismo ni Gloria Romero. Ikinasal silang
dalawa at nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang Maritess Gutierrez. Sa
hindi inaasahang pangyayari ay naghiwalay din sila pagkatapos ikasal. Sapagkat,
paglipas ng panahon walang nag-aakala na magkakabalikan din ang mag-asawa.
Ngunit sa pagbabalikan nila nadiskubri niyang may sakit ang kanyang asawa.
Pagkatapos ni Juancho magka stroke, naging malala ang kanyang kalagayan sa kadahilanan
na mayroon din siyang diabetic implications. Noong taong 2005, sa edad na 73,
Nagkaroon siya ng cardiac arrest at doon siya binawian ng buhay.
Taong 1954 halso kakasimula
palamang ng karera ni Gloria Romero sa larangan ng pag arte ay napag disisyonan
nyang sumali sa Miss Philippines search. Dalawa ang nag organisa ng
kumpitisyong iyon ang Boys Town Phlippines kung saan nanalo si Blesilda Ocampo
at ang Philippine National Fair kung saan namn nanalo si Teresa Larrazabal. Pagkatapos bilangin ang resulta ng mga balota
nalamamg siya ang nakakuha ng ikatlong karangalan at nakuha ang titolong Miss
Visayas.
Wow this was the article I was looking for. I was a kid in the early 60s and grew up watching Gloria's old films and never once knew she was Tito Galla's sister. Gloria was my favorite because she bears a striking resemblance to my mother.
ReplyDeletemay kulang pa yung PALASIG (1952) with Cesar Ramirez
ReplyDeleteat tinanng ko saknaya ang kauna unahang pelikula niya ang ANG LUMANG BAHAY SA GULOD (1949)
PAANO ANG ONLINE WORK
ReplyDelete